Coastal Clean-up
Sa panahon natin ngayon marami sa atin ay naninirahan sa dalampasigan o malapit sa karagatan. Ito ay bunga ng kawalan ng lupang tatayuan ng bahay upang makapanirahan. At dahilan din ng unti unting pagtaas ng populasyon dito sa ating bansa o pag dami ng taong isinisilang sa bawat taon.
.
Noong Ika-Labin siyam ng Setyembre ay sabay sabay kaming nakipagkaisa para sa “International Coastal-Clean Up". Isinagawa ito sa dalampasigan ng Baranggay Poblacion sa Du-at Beach Resort kung saan doon din kami nagtitipon tipon. Bawat isa sa amin ay nagdadala ng tag iisang sako upang lalagyan ng basurang aming dadamputin.
.
Karamihan sa amin ay nakipagkaisa sa gawain hindi lang para madagdagan ang aming puntos sa “Earth and Life Science"na Subject kundi ang makatulong sa ating kumonidad. Kadalasan sa ating dalampasigan ngayon ay napakadumi kaya kinakailangan natin itong linisin upang mapanatili ang kagandahan ng ating dalampasigan. At upang mahikayat ang mga turorista maligo sa ating dalampasigan at para na din maiwasan natin ang ang mga karamdaman.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento