Image may contain: 1 person, smiling, standing and shoes           Image may contain: 1 person, smiling, standing, shoes and outdoor                                         
Buwan ng Wika

“Filipino,Wikang Mapagbago" ang tema sa taong 2017 para sa Buwan ng Wika.Kapag sumapit na ang Buwan ng Agosto ay alam na natin kung anong aktibidad ang magaganap, yan ay ang paggunita natin sa Buwan ng Wika. Nagkakaroon tayo ng programa at paligsahan gaya ng tula,sayawit,sabayang pagbigkas,talumpati,islogan,pagbabasa ng baybayin,tagisan ng talino,monologo, at ang panghuli ay ang pagkwekwento.
Bilang bahagi ng pakikipagkaisa ukol sa aktibidad na isinagawa ay tatlo ang aking sinalihan ang mga ito ay ang islogan, pagbabasa ng baybayin at sayawit. Sa islogan ay sa awa ng Diyos ay naka 3rd placer ako dahil sa ginawa Ko talaga ang lahat para manalo ako nun. At sa pagbabasa ng baybayin naman ay naging talunan kami nang dahil sa di kami nakapaghanda sa paligsahang magaganap.Ngunit bumawi naman kami sa sayawit sa tulong ng Ama ay naka 2nd placer kami nun dahil sa nakipagkaisa ang lahat kung kaklase.

Ang pagsalubong natin sa Buwan ng Wika ay isang napakahalaga para sa ating lahat di lang upang tayo ay makipagkaisa kundi upang mabigyang halaga natin ang ating sariling wika. Kung wala ang wika ay di tayo mabubuhay dahil sa kinakailangan natin ito araw araw upang magkaroon ng komunikasyon sa kapwa tao. Ayon sa kasaysayan ang pilipinas ang pinakamaraming wika ang ginagamit dahil sa iba't ibang grupo ng tao ang nabibilang dito.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nutrition Month