Nutrition Month

Nutrisyon Month
"Healthy diet gawing habit for life" ang temang inilunsad sa taong 2017 para sa paggunita ng Buwan ng Nutrisyon. Layunin ng paksang ito na mapanatili ang kalusugan ng ating pangangatawan. Sabay sabay nating gunitain ang Buwan ng Nutrisyon at iwasan natin ang Malnutisyon.Sa panahon natin ngayon, karamihan sa atin ay di normal ang kalusugan o mapapayat o tinatawag nating "Malnourished''. May iba ding sobra ang timbang o matataba na kung tawagin natin ay "Obese''. Upang lahat ng ito'y ating maiwasan, tayo'y kumain ng masustansyang pagkain gaya ng gulay at prutas na nagtataglay ng bitamina.
Nung nakaraang buwan ng Hulyo ay ginanap ang Buwan ng Nutrisyon sa silid paaralan namin.Iba't ibang paligsahan ang naganap at isa na rito ang Poster Making, cooking contest, tabo sa paaralan, jinggle contest at essay. Sa lahat ng paligsahang naganap ay iilan lamang ang natuloy at isa na rito ang Poster making, essay at jinggle contest.
.
Bilang bahagi ng pakikipagkaisa ay sumali ako sa Poster making upang kumatawan sa pangkat namin. Hindi man ako nanalo ay nagalak parin ako dahil naibahagi ko sa iba yung aking kakayahan sa pagdrawing at pagpipinta. Kahit na ako ay kinabahan sa paligsahang naganap nang dahil sa ‘1st timer' pa ako ay ginawa ko parin ang lahat upang madaig ang takot at kaba na aking nadarama.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento